Sa Isyung Diborsiyo at Pagpapawalang Bisa ng Kasal sa Pilipinas (Divorce and Annulment)

Noong napabalitang gugunaw na ang mundo, natawa ako. Siguro dahil naipamulat sa akin buhat pagkabata ang mga ganoong klaseng gawa gawang paksa. Dahil narin siguro sa paniniwalang, ang Diyos lang ang nakakaalam ng talagang wakas ng mundo. Dahil Siya lang ang may karapatang wakasan ang lahat sa atin.

Maraming isyung kinahaharap ang ating bansa. Ang kahirapan, mga taong walang hanap-buhay, ang paborito kong RH Bill (na dapat talagang hindi na pinanghihimasukan ng Gobyerno at Simbahan!) at ngayon naman ang pagsasagawang ligal ng diborsyo sa Pilipinas.

Ano ba ang pagkakaiba ng diborsyo sa tinatawag nating “annulment” o pagpapawalang bisa ng kasal? Base sa nasipi’t nabasa ko sa Diksyunaryo ng Pandaigdigang Mga Batas, ang “annulment” ay ang proseso ng pagpapawalang bisa ng kasal dahil sa una’t sapul ito ay hindi naging legal, ikinakansela ang nagawang imbalidong kasal dahil walang dahilan upang mapangyaring ligal ito. Kumbaga, paraan ito upang burahin ito sa teknikal na konteksto ng totoong kasal. Ang diborsyo naman ay ang pagpapawalang bisa ng balidong kasal. Pagwawakas sa nagawang ligal na kasal at magbibigay kalayaan sa parehong indibidwal na makapag asawang muli.

Bago magawa ang parehong nasabing proseso, kailangan nilang magpresinta ng mga elemento upang masabing pasok ito sa proseso ng “annulment” o ng diborsyo. Nang sa gayon, maging matagumpay sila sa pagpapawalang bisa o pagkakansela ng nasabing pag-iisang dibdib ng parehong indibidwal.

Nakakaloka! Mukha yatang ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa senado at kongreso ay kung paano mabuwag ang pamilya ng bawat Pilipino! Mukha yatang masyado nang dumadami ang mga sugo ni tanay upang dumami ang mga taong walang buong pamilya. Hindi ba’t kesa pagbubuwag ng pamilya, inuuna dapat nilang pagtuunan ng pansin ang pagpapatibay ng relasyon ng mag asawa upang ng sa gayon mas maging matatag ang sambayanan? Ang pamilya ang tinatawag na basic unit ng lipunan; tama ba ako? Mukha yatang gusto rin nilang guluhin ito katulad ng gulu gulong utak ng mga tao diyan sa kongreso at senado!

Napipikon ako! Maraming dapat na atupagin ang mga taong iyan! Bakit mas nabibigyang pansin ang panggugulo kesa sa grasya? Hoy, naman! Maraming gutom sa Maynila! Maraming walang tahanan! Maraming walang hanapbuhay! Maraming walang edukasyon! Maraming tambay! Maraming rough road sa probinsya! Maraming hindi ayos ang eskwelahan! Maraming basura! Maraming nakakaloka sa bansa! Hindi niyo ba nakikita? Tapos ngayon, pakikialaman niyo pa ang pamilyang Pilipino! Panghihimasukan niyo pa ang sagradong pamilya?! Diyos ko naman! Palibhasa karamihan sa inyo babaero at gusto nang hiwalayan ang mga asawa ninyo! Hindi lang ito magawa dahil hindi ninyo kayang makumpleto ang mga elemento ng “annulment” sa bansa! Samantalang sa proseso ng diborsyo lubhang mas madaling maisagawa. Pansariling interes ito sa palagay ko, at hindi para sa bayan!

Sana masunog ang opisina ng Kongreso at Senado! Ito kasi sa palagay ko ang totoong impyerno sa mundo! At pakatitigan ang mga mukha nila—ito ang iba’t ibang mukha ng diyablo na naninirahan sa mundo! Mag ingat nalang tayong mga Pilipino; pati ang mundo! Gugunaw na nga yata ang mundo nating mga Pilipino!

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

2 Responses to Sa Isyung Diborsiyo at Pagpapawalang Bisa ng Kasal sa Pilipinas (Divorce and Annulment)

  1. John Ray says:

    kahit grade 7 palang po ako gets ko to😀 …

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s