Tungkol kay Alexel:

Ang Makata

Habang kinikilatis ang mga salitang nakadapa sa harap ng kanyang mukha…

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran, probinsya ng Albay noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa parehong probinsya noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol. Nahilig siyang magsulat sa Filipino dahil ito ang wikang pinakamalapit sa puso niya—dito niya mas naibubuhos ang purong emosyon, gayundin ang ganap na “pagsanib” ng kanyang kaluluwa sa mga sulating kanyang nagawa. Karagdagan ring rason ang pagiging purong Tagala ng kanyang ina. Naitalaga siyang “Staff Writer” at kalaunan bilang “Research Director” sa opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng kanilang kolehiyo—ang Budyong. Madalas mapag-usapan ang kanyang mga artikulo na nakasulat sa Filipino at Bikol-Pioduran pati ang kanyang kolum na may pamagat na, “Boarder” hindi lamang ng mga kapwa niya estudyante kundi pati narin ng kanyang mga guro dahil sa direkta at medyo bulgar na gamit niya ng mga salita dito; gayundin ang mga patawang handog at aral na kadalasang mababasa sa huling parte ng kanyang mga gawang artikulo. Nakapag-ambag narin siya ng ilang mga tula, maikling kwento at sanaysay sa iba ibang pahayagan katulad ng The Universitarian na opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Bikol, The Pillars ng Pamantasan ng Ateneo sa syudad ng Naga at iba pang de-kalibreng pahayagan.

Hindi naglaon, noong taong 2008, naatasan siyang maging “Associate Editor” ng National Service Training Program Files Magazine ng Pamantasan ng Bikol. Doon niya nasubukan ang istilong bago sa kanya—ang tradisyunal na istilo: pormal at seryoso gamit ang wikang Ingles. Taong 2009, naging isa siya sa mga tagapamuno at patnugot ng Brown Writers’ Guild, isang samahan ng mga manunulat na tumutulong malinang ang talento sa pagsulat ng iba-ibang estudyante, maging ng mga tinatawag na out-of-school youth sa loob at labas ng probinsya ng Albay. Hangarin nitong mas paigtingin ang pagiging mapanuri sa kaganapan sa paligid, hindi lamang ito ipinapaloob sa mga titik kundi nakikilahok din ang samahan sa mga pagtitipon upang makatulong sa mga kapos-palad na kababayan. “Social Consciousness through Literature and Service” ang adbokasiyang mula sa puso ng samahang itinatag at pinamunuan niya kasama si Eduardo Endraca Uy ng probinsya ng Sorsogon.

Nakapagtrabaho siya sa ilang prestihiyosong institusyon at opisina sa Metro Manila at nakasali sa ilang mga pagtitipon ng mga manunulat kasama ang ilan sa mga tanyag na makata sa Pilipinas. Siya ngayon ay kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Paaralan para sa mga Gradwado sa parehong pamantasan; at masayang nagtuturo sa kolehiyo habang nangangasiwa at parte ng iba ibang propesyunal na organisasyon kagaya ng National Service Reserve Corps bilang Kalihim, YMCA of Albay, Inc. kung saan nahalal siyang isang “Board Director” noong taong 2010 at Philippine Red Cross kung saan din siya ay nahalal bilang Presidente ng 32nd Batch ng Red Cross Youth.

Simula’t sapul ay mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula, sanaysay at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, Gawad Obrang Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at marami pang iba.

Nakagagawa ang Makata ng isang magandang tula mula sa “abo” ng nasusunog na kalungkutan:

Malapit nang mailathala ang kanyang kauna-unahang libro na may titulong, PAGMINA NG MGA SALITA: MGA TALA TUNGKOL SA BUHAY. Ito ay kalipunan ng iba ibang sanaysay na tumatalakay sa buhay pag-ibig, pakikipagkapwa at pagsusuma ng mga katha ng kanyang “kaluluwa”.

…Nais kong tumulong mapatingkad at mas painitin ang dugo ng ating pagka-Pilipino…

20 Responses to Tungkol kay Alexel:

  1. juliejulzann says:

    Maganda! Very inspiring ang lahat ng mga sanaysay na nakasulat… Hope to read more!🙂 God bless!

  2. bigfatheroo says:

    Ang blog na ito ay simple ngunit talagang de-kalibre! Sana makapagpost ka pa ng mas maraming kwento sa Filipino…… ang wika ng mahal nating Pilipinas…. Salamat ng marami sa iyong talento….. Pagpalain ka pa ng Dakilang Lumikha!!!🙂🙂🙂

  3. Gustong gusto kong abangan ang iba mo pang mga saloobin… totoong totoo ka sa iyong mga sinusulat…isa akong guro sa Filipino, at ako’y talagang namangha sa iyong mga sulatin… Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong sarili sa pamamagitan ng blog na ito… salamat sa mga aral buhat sa karaniwang karanasan sa buhay… ^_^ TWO THUMBS UP ALEXEL!

  4. queenellamei says:

    Very entertaining blog! Would love to check more!🙂

  5. iamsiasac says:

    Mahusay… Ganda ng picture na post mo dito… (tinuktukan beach)… love it.. galing mahusay….

  6. myalexel | Imbakan Ng Mga Naikubling Salita Ng Pag-ibig At Kaluluwa I was suggested this web site by my cousin. I am not sure whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. You are wonderful! Thanks! your article about myalexel | Imbakan Ng Mga Naikubling Salita Ng Pag-ibig At KaluluwaBest Regards Craig

  7. Magali Bartz says:

    Oh my goodness! Amazing article dude! Thanks, However I am encountering difficulties with your RSS. I don’t know why I am unable to join it. Is there anybody having the same RSS issues? Anyone that knows the answer can you kindly respond? Thanks!!

  8. grace says:

    galing mo po! -grace atienza

  9. grace says:

    i wanna be your friend :*

    09066796325

  10. you possess a great blog here! would along the lines of to have invite posts on my minor
    blog?

  11. Aw, this was an exceptionally nice post. In concept I want to place in writing such
    because this moreover – spending time and
    actual effort to create a excellent article… then
    again so what can I say… I procrastinate alot through no
    indicates get a hold of a path to go completed.

  12. Bihasa , kang gumamit ng mga salita ! Kahalintulad ng mga dakilang dalubhasa🙂 napaka’ gandang pamantayan sa mga taong nakakaintindi ng kaganapan isa ka sa mga huwaran nakitaan ng kagalingan . Proud po! Ako sa inyo.

  13. Nagagalak! Po ako sa mga sulat kamay mu. Marami pa sanang makakita ng mga ginawa mu . Napaka talinhaga po ng bawat salita, at napaka’lawak ng iyong kaisipan . Hinahangaan po kita at marami pang taong humahanga sayo .😀

  14. andrea curtis says:

    your very smart

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s