Mga Pagsubok sa Buhay

Madalas ko napapanuod sa TV, napakikinggan sa radyo at usap-usapan, nakikita at ramdam ko ang paghihirap ng ating pinakamamahal na bayan, ang Pilipinas. Hindi naman ‘yon lingid sa ating lahat. Paglabas palang ng ating tahanan o mismo sa loob ng tahanan may puntong inaaligiran tayo ng kahirapan.

Kanina nakita ko sa TV ang isang matandang babaeng kinapanayam ng isang kilalang mamamahayag. Unti unti na raw silang nilalamon ng kahirapan… hindi na raw nila alam kung saan tatakbo… hindi nila alam kung saan kukuha ng makakain sa pang araw-araw. Mapakinggan naman daw sana ng mayayamang pulitiko ang kanilang hinaing. Bukod dito, ang isa sa mga tumatak sa akin ay nang maluha siya’t sabihin ang mga katagang: “…Oh, D’yos ko! Bakit kami pa ang nagkakaganito?”

Kung susumahin mo ang lahat, tila baga makikita ng isang ordinaryong tao na ang mga mahihirap na mamamayan ng ating bansa ay may malalang pagsubok na kinahaharap. PAGSUBOK. Isang napakabigat na salita. May negatibong depinisyon o implikasyon para sa ilan… ngunit alam niyo ba na iba ito sa madalas nating maisip. Isipin nating muli ang sinabi ng Diyos sa Bibliya man o sa Koran: lahat ng pagsubok ay may dahilan; kailangan ito upang  maisakatuparan ang nakabubuti para sa sanlibutan. Ibig sabihin, nararamdaman natin ang sakit, init, gutom, hapdi o kirot dahil mayroon itong dahilan—at ito ay ang nakapaloob sa pagsubok—ang ating tatag at tikas na maharap ang mga ito na nananatiling matapat sa Kanya’t nagmamahal. Ika nga, hindi ka natutong magmahal kung wala itong sakit na dala. Gayundin ang kadalasan nating marinig sa mga nakatatanda: kung may paghihirap, kasunod nito ay saya.

Totoo nga. Paikot ang mundo. May iba iba itong anggulo. Pero hindi ba’t hindi lamang nasusukat ang PAGSUBOK sa pagdanas ng kahirapan o paghihirap sa anumang aspeto. Gayundin sa estado ng karangyaan, mayroon ding pagsubok na nakapaloob. Pagsubok na kailangan ring malagpasan ng sinumang tumatamasa nito. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng karamihan, buhat nang tayo’y yakapin sa lupa ng ating Panginoon, mariin Niyang sinusubok ang mga taong nagtatamasa ng karangyaan. Hind ba’t nasabi pa nga Niyang, ang kayamanan ay naglalapit sa tao sa kasalanan. Nabanggit din na ang pera ay tila nagbubunga ng kasalanan. Ito rin ay isang PAGSUBOK. Pagsubok sa isang tao na nagtatamasa ng materyal na yaman… Kung ang isang tao ba’y magiging ganid, mapangabuso, mapanlinlang, mapagmataas at marami pang iba. Pagsubok sa isang tao na sa mundo ng materyal na bagay ay siksik… ang kayamanan bang kanyang pag-aari ay ginamit sa kasiyasiyang paraan? Siya ba ay naging instrumento ng Diyos na mapagaan ang pasanin ng mga taong salat sa materyal?

Sa sitwasyon ng pagbibigayan, pagtutulungan, pagmamahalan ng dalawang panig sa magkaibang estado ng pagsubok sa mundo, ang bawat isa sa kanila’y subconsciously, nagiging daan upang maisakatuparan na maipasa ang kanikanilang pagsubok sa ginagalawang buhay. Ang mahihirap inspirasyon sa mga mayayaman, vice versa. Ang pagsubok ay hindi lamang totoo sa kahirapan, ito rin ay mababakat, at ganoon din katotoo sa tinatawag na karangyaan o kasagana’an.


About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

One Response to Mga Pagsubok sa Buhay

  1. bigfatheroo says:

    Tama ka… kaya sa bawat pagsubok sa buhay, ‘wag na ‘wag tayong sumuko… kasi hindi lang naman tayo ang nakakaranas noon… minsan nga kapag tiningnan natin ang sitwasyon ng iba, makikita nating maswerte pa rin tayo…. Magaling!🙂🙂🙂

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s