Okasyon

Eksayted akong mag alas-sais para sa dadaluhang okasyon ng YMCA Albay sa People’s Hall, Albay Capitol kaya sinikap naming tapusin ni Dadem ang lahat ng naka-iskedyul gawin kahapon. Pagod kaming nakarating ng bahay kaya’t humilata muna kami’t nagmeryenda sa salas. Mga alas singko ng hapon ay nagbihis na kami at nagpahatid gamit ang sasakyan ng aking bayaw. Sa oras naman kami nang dumating; madaming bagong mukha kabilang na iyong labindalawang Hapon at tatlong Koreanong bisita para sa “Y Camp”.

Pagpasok palang namin, agad kaming sinalubong ng mga nagpakilalang “student/youth leaders” at ang host ng okasyon na si Patty. Masaya ako dahil minsan rin akong naging student leader at hanggang sa kasalukuyan ay puso at gawang leader parin ako.

Inakala kong handang handa ang mga kinatawan ng Kapilyo ng Albay sa nasabing okasyon ngunit laking gulat ko nang hindi maayos na maipatugtog ang kanta ko… napahiya na s’yempre ako sa harap ng mga bisita kaya naman sinubukan kong mag-adlib at pagaanin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibiro’t pagpapatawa habang hinihintay na masaayos ang naantalang pagkanta. Ang sabi ng mamang maitim at mataba (na nakapulang t-shirt), hindi raw matanggal ang boses kasabay ng tugtog kaya wala daw siyang magagawa. Sinabi kong isalang ang iba kong CD para makita kung alin sa mga ito ang pwedeng gamitin sa pagkanta… Maya maya’y sinabihan niya akong hindi naman daw siya operator ng Sound system; buti nga daw at dinala pa niya ang personal nilang DVD player… hindi daw nila alam na may magkakantahan sa People’s Hall, ang alam lang daw nila ito ay dinner party. Nairita ako sa sinabi ng matabang lalaking nakapula na may kabahuan ang hininga’t may bilugang mata… Napabuntong-hininga nalang ako at nag isip na masusulusyunan ko rin ito. Pasalamat siya’t wala akong regla ng mga oras na ‘yon… walang hinahawakang mataas na pwesto sa gobyerno, kung hindi igigisa ko siya’t ihahain sa mga buwayang kasing laki ni Lolong na madalas kong mapanuod sa balita sa telebisyon! …At nang sa gayon eh mapakinabangan naman ng patabaing katawan niya!

Mabuti nalang talaga at boy scout ako kaya may isa akong CDng dala na walang boses for Karaoke… dahil kung hindi sirang sira ang okasyong iyon sa International Community! Buti’t nairaos ko ang mga sandaling iyon… buti nalang talaga at brilliant ang mind ko dahil kung isa rin akong aanga-anga,magmumukha akong engot sa harap ng lahat. Ano nalang ang impresyon ng mga dayuhan (pati ng mismong Bikolano at ng lahat ng taong nandun sa hall) sa probinsya ng Albay???  …Na talagang MORE PUN in the Philippines???…Ipinakita doon na sa isang napakasimpleng okasyon ay hindi sila handang tumanggap ng mga bisita… na ang iba sa mga empleyado ng probinsya ay arogante’t walang modo kung sumagot sa bisita! ..Daig pa ang mismong nagpapasweldo sa kanila—ang taumbayan! Hindi nila naisip na ang mismong may pinakamataas na pwesto sa probinsya, ang gobernador, ay mapagpakumbaba’t madaling malapitan… tapos yung mga alipores lang ay magsisiga-sigaan… na animo’y sila ang may ari ng Kapitolyo! Ang gusto lang talaga naming lahat ay ang maayos at may pusong serbisyo… Gusto kong magmura pero ayokong isakripisyo ang aking master’s degree para lang sa katulad nila…

Nakadidismaya talaga… Isang napakalaking buntong-hininga na muna sa ngayon ang magagawa ko at magtalak na parang hibang… Ang maipananalangin nalang namin sa ngayon ng mga kapareho kong youth leader ay ang patuloy na harapin ang lahat ng pagsubok ng buhay na may sapat na tatag, kasiyahan ng loob at pagpapakumbaba. Kagaya ng okasyon na iyon… may mga insidenteng kahit hindi mo lubos maisip na mangyayari ay kailangang paghandaan… ganoon din sa totoong entablado ng buhay. Kailangang magpatuloy ito anuman ang kaharaping “unos”… dahil sa bandang huli, ang kakayanang dalhin ang iyong sarili ng may galak na postura ang magiging depinisyon ng iyong sariling tagumpay. Hanggang sa mga susunod pang okasyon ng buhay. Siya Nawa!

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Okasyon

  1. bigfatheroo says:

    HAHAHA! Astig ka naman mag-handle ng mga ganung sitwasyon…… kung ako nun, binugbog ko na yun, hahahahahahaha! Biro lang po…🙂🙂🙂

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s