Tukso o Pizza sa Kaluluwa?

Ito na naman. Sinusumpong na naman ako ng sakit ko. Magsusulat na naman ng kung anu ano. Hindi ako mapipigilan ng kahit na sino. Maka-away ko na lahat ‘wag lang ang Diyos at sarili ko na siyang tutulong sa aking matapos itong ka-charotang ‘to. (HAHAHA!)

Kanina, naisipan kong maghanap ng pizza stall. Natatakam na kasi ako eh. Ewan. Feeling naglilihi. Feeling gumagapang ang man-made matres ko.(CHAROT!) Parang inuutusan akong maghanap ng pizza at red tea. Sa lahat ng tea, red tea ang gusto ko. Simula nung naipakilala sa’kin ng kaibigan kong Koreano ang red tea, hindi ko na talaga tinigilan ang pag inom dito. Masarap kasi. Masustansya pa.

Habang naglalakad ako papunta sa ‘di kalayuang mall upang maghanap ng pizza stall napansin ko ang dalawang bading na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason. Siguro dahil sa naka-shorts lang ako, dyaket at t-shirt na panloob—naka pambahay sa mall! (HAHAHA!—KEBER!) Tinatamad na kasi talaga akong magbihis noh. Parang lahat ng katamaran sa mundo hinakot ko na kanina. Inisip ko rin na baka crush nila ako. (OMG! NO TO CANNIBALISM!) Pilit akong yumuko dahil medyo nahiya ako. Pangalawa, ayokong bigyan sila ng balik na titig dahil alam kong nakakadiring pagtitinginan iyon. Naku ha! Baka isipin pa nila, trip ko rin sila, no way! Walang talo-talo! My goodness!

Ayun, maya maya tinitigan naman nila ang lalaki sa likod ko. Nakakaloka ang ginawa ng dalawa nang bigla silang tumigil at kinausap ang lalaki. Gulat na gulat ang lalaki sa pag aakalang mandurukot ang dalawa (Nasa mukha! ECHOS!) Ayun, rinig na rinig ko ang sinabi ng dalawa. Nagbitiw ang mga ito ng malalaswang salita na agad na ikinainis ng lalaki. Natakot ako kaya dumiretso na lamang ako sa may bandang eskaleytor at bumaba papunta sa food court.

Habang niluluto ang pizza, naisip ko… Bakit kaya marami sa tao ang takam, uhaw… hayok sa laman? Pakauwi ko ng dorm habang kinakain ang mainit init pang pizza, nagpadala ako ng text na mensahe sa ilan sa aking mga kaibigan, sa dating guro, sa kakilalang pari at sa aking ama. Tinanong ko sila kung bakit maraming tao ang hayok sa laman. Ang ilan ay nabigla sa tanong ko. Ang iba naman inakalang nagbibiro na naman ako. Ang iba naman agad at direktang  sinagot ang tanong ko. Katulad na lamang ng aking ama. Sinabi niyang kaya daw ganoon ang tao dahil ang tao ay may katawang materyal at sangkap ng kamalayang sekswal; sa gayon daw  ang katawang laman o materyal ay naghahanap ng kaparehong laman o materyal na ikasisiya o ikabubusog nito.  Ganoon din ang pagsasang ayon ng pahayag ng isa kong kaibigan.

Ilang minuto rin akong natigilan. Tila nag iisip pero wala naman talaga akong maisip sa minutong iyon. Bigla kong naisip ang sermon noong isang linggo ng pari sa kapilyang palagian kong dinadaluhan ng misa… na ang laman at dugo ni Kristo ang siyang makakabusog sa ating mga laman at kaluluwa. Kung ganun, bakit hindi nalang si Kristo ang ating pagnasaan? Pagnasaan sa paraang maganda at makatwiran… Kagaya ng pagsasapuso ng Kanyang mga salita. Ng paggalang sa kapwa. Ang pagtakwil sa pagmamahalang nakasentro lamang sa “laman” na hindi naman talaga magtatagal ang naibibigay na kasiyahan.

Gusto kong mabasa ito ng mga taong nakasalubong ko kanina. Gusto kong pagnasaan nilang basahin ang bawat salita dito na tiyak akong bubusog sa kanilang pang unawa. Sa kanilang gutom na pakikipagkapwa at pagkabilad sa tukso ng gutom nilang kaluluwa. Kaya kayo, kung gutom sa laman ng iba, subukan niyo nalang ibaling sa pagkasarap sarap na pizza! …Tiyak akong busog at mas titirik ang inyong mata. Maniwala ka, ginawa ko na!

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s