Maharlikang Tuntunin ng Magandang Asal (Royal Etiquette)

Ewan ko ba. Wala naman akong dugong Maharlika, hindi naman ako Briton pero masyado akong excited sa kasal nina Mareng Kate at ni Prinsipe William. Siguro masyado akong nababad noon sa mga “fairy tales” na kadalasang kinatatampukan ng mga prinsipe’t prinsesa na may “happily ever after” kaya ganito na lamang ang pagkahumaling kong makinig sa mga balita patungkol sa kanilang nalalapit na kasal o “Royal Wedding“! Ang ganda kasi pakinggan, diba? Nakakakilig titulo pa lamang. Excited akong makita kung ano ang hitsura ng trahe de boda ni Mareng Kate… Sigurado akong napakaganda niya sa kanyang isusuot! At si Prinsipe William, hmmm, alam ko na… Iisa lang naman kasi ang istilo ng sinusuot pangkasal ng mga Prinsipe eh. Siyempre, ang Prinsipe ay full-fledged British military officer, sigurado akong isang military uniform iyon. Pero dahil nga Prinsipe siya, maari siyang pumili kung anong sangay ng militar manggagaling ang uniporme. Ang bongga ano? Kita mo na agad ang pagiging mapalad niya. Kita mong kahit nagtatrabaho siya, iba parin ang estado niya. Pero alam kong hindi rin madali sa Prinsipe ang pag aralan lahat ng kurso mula sa iba’t ibang sangay ng militar at gobyerno. Natural, dapat alam niya halos lahat ng pagpapatakbo rito… Hindi lang dapat siya nag uutos. Paano ka naman mag uutos ng mga dapat gawin kung hindi mo alam ang proseso o mga tuntunin, hindi ba? Doon palang masasabi na nating hindi madaling mapabilang sa dugong bughaw. Na ang nakikita natin sa media ay pawang mga pabalat lamang na palamuti. Ni hindi nga natin alam kung ano ang mga asal o kilos nila sa loob ng palasyo eh. Lahat ng kilos nila ay de numero…

Ayun, mabalik tayo sa kasal nina Mareng Kate at Prinsipe William. Alam kong kahit napakagarbo ng royal wedding,  kahit anong ganda ng mga suot nila, at kahit anong yaman ng karamihan sa dadalo, hindi parin sila mabubusog lalong lalo na kapag nakasama nila sa mesang kainan ang Reynang Elizabeth. Marami kasing mga tuntunin ang istrikto at maselang kakabisaduhin kapag kasama mo ang isang reyna. Hindi kasi siya ordinaryong tao, reyna nga diba? (HAHAHA!) Kulit! Gaya nalang halimbawa kapag mauupo na kayo para kumain… Kailangan niyong hintayin ang reyang maunang umupo bago kayo. Kailangang siya ang unang kumuha ng kobyertos. Mas mahirap kapag SIX COURSE TABLE SETTING! Diyos ko po, nakakalula! Kailangan mong pakisamahan ang sumusunod:

  • Service plates
  • Soup bowls
  • Service knives
  • Fish knives
  • Soup spoons
  • Fish forks
  • Dinner forks
  • Salad forks
  • Folded napkins
  • Bread plates
  • Butter knives
  • Dessert spoons
  • Cake forks
  • Water glasses
  • White wine glasses
  • Red wine glasses

Oh ‘diba? Ang dami mong kailangan kabisaduhin. Kailangan mong titigang maigi ang hitsura o pagkakaiba ng white eine glasses sa red wine glasses kundi mapapahiya ka. Sa madaling salita magkakalat ka! Hindi ka maaaring maunang kumain sa reyna. Kailangan, hintayin mo siyang kumagat sa kung anumang unang kakainin niya. Isang kabalintunaan umano ang kainin ang pagkaing hindi ginalaw ng reyna. Masyadong de numero ang iyong kilos kaya sigurado akong hindi mabubusog kahit na sino. Kaya nga advisable na kumain muna ng bongga bago dumalo sa royal wedding.Kundi, magugutom ka—starve to death lalo na kapag kaunti lang ang kinain ng reyna at madali niyang tinapos ang pagkain.Malalaman mo kung tapos na ang reyna sa pagkain kapag ipinatong na niya ang kanyang kubiyertos kasama ang napkin sa gitna ng kanyang pangunahing plato. Kahit na ngtumunguya ka pa, sa ayaw mo man o sa hindi, ending na iyon ng paglamon mo. (HAHAHA!)

Pagbati sa Reyna

Paano mo babatiin ang reyna kapag nakaharap mo siya? Base sa nabasa ko sa paborito kong libro, “Para Empezar Royale” (Hayskul palang ako binabasa ko na ito…feeling reyna kasi ako! HAHAHA!) kailangan mo munang batiin siya ng “Kamahalan” (Your Majesty) bago mo siya matawag na “Ma’am” sa mga susunod na pag uusap. Yun dapat ang pinakauna. Kapag hindi ka naman Briton, hindi required na mag-bow ka sa kanya dahil hindi naman siya ang head of state mo. Maari kang mag-nod o tumango sabay ngiti sa kanya. Hindi rin pupwedeng hawakan ang reyna. (Sa madaling salita, ‘wag kang FEELING CLOSE! Noli Me Tangere!) Karamihan pa naman sa ating mga Pilipino, may pagak-FC tayo. Hindi siya maaaring i-beso o hawakan kahit sa pinakahuling manggas ng kanyang damit. Maaari lang siyang hawakan kapag nag-offer siya ng handshake sa’yo. Limang segundo lang dapat ang tagal nito kung hindi may gwardiya nang lalapit sa’yo–sigurado yan! (HAHAHA!) Makakausap mo rin lang siya kapag kinausap ka niya. Ngunit hindi ito maaaring magtagal. Hindi ka pwedeng magtanong sa kanya. Siya lang ang dapat magtanong. Sasagot ka lang. Oh diba??? Hindi ka kaya maloka nito lalo kung sadyang ipinanganak kang madaldal. Gusto ko rin maging reyna! Pero… hmmm, ‘wag nalang. Ayokong maging parang robot!

Pagbibigay ng Regalo sa Reyna

Base uli sa paborito kong libro kapag feeling-reyna ako. (HAHAHA!) Sa pakikipag eye-ball sa reyna (este, pakikipagkita) kailangang may dala kang regalo lalo na kung head of state ka rin ng ibang bansa. Kahit ano naman pwede ‘wag lang yung offensive sa reyna gaya ng mga porn magazine, o DVD porn movies… Malamang, laste term mo na yun pag nagkataon. Good luck kung makauwi ka pa sa lugar mo. (HAHAHA!) Konserbatibo kasi ang mga kabilang sa dugong bughaw lalo na ang reyna. Ayun, balik tayo sa regaluhan. ‘Wag kang mag alala kasi may balik na regalo naman ang reyna. Ang kadalasang regalo nito sa mga bisita ay ang larawan niya at ng kanyang asawa; gawa sa pilak na frame ng larawan. So meaning pwede mong isangla pakatapos. (ECHOS!) Kaloka ano? Picture niya lang pala ang kapalit. Pero dahil sa siya ang reyna, malaking bagay ito sa mga nasasakupan niya. Isa itong pambihirang regalo mula sa reyna ang magbigay ng mismong larawan niya.

Usapang may Tsaa

Kadalasan at parte talaga ng pagdalo sa isang salo salo sa palasyo ang paghahain ng tsaa kasama ang reyna. Take note, kagaya sa royal na handaan, hindi ka maaaring maunang humigop ng tsaa. Dapat ang first move ay mula sa reyna. Siya ang una at huli sa lahat ng bagay kapag kasama mo siya. Hindi ka rin maaaring tumayo kapag nakaupo pa siya. Isa itong pambabastos sa reyna. Kapag naunang naubos ang iyong tsaa (at gusto mo pa o bitin ito) at nagsasalita pa ang reyna sa harap mo, maaari mong titigan ang serbidor sa mata. Hindi mo siya kailangang tawagin na parang waiter sa restawran. Trained sila sa ganyan. Alam na nila ang titig na iyon at kusa silang lalapit sa’yo sabay buhos ng tsaa sa iyong tasa. Kapag papalapit na ang serbidor, ilagay mo na ang iyong tasa sa saucer. Hindi maganadang lagyan o salinan ng panibagong tsaa ang iyong tasa habang hawak mo ito. Hindi rin ito lalagyan ng serbidor dahil ito ay hindi katanggap tanggap sa harap ng reyna.

Buhay Prinsesa Kapiling ang Reyna

Hindi madali ang magiging buhay ni Mareng Kate kapiling ang Reyna. Alam ko iyon. Base sa mga nabasa ko siyempre. Mga dapat niyang gawin. Dahil hindi siya kadugo ng reyna kahit isa na siyang Prinsesa hindi niya ito maaaring yakapin kagaya ng pagyakap sa Reyna ng kanyang apo na si Prinsipe William. Mananatili sa dugo ni Kate ang pagiging “commoner” kahit magakaroon na siya ng titulo bilang isang Prinsesa. Panghabang-buhay na ang titulong ito kahit maghiwalay pa sila ni Prinsipe William. Sa unang tingin, parang napakaganda. Pero alam kong pressured na si Mareng Kate sa mga kahaharapin niya sa loob ng palasyo kasalamuha ang reyna at ng iba pang kapamilya ng Prinsipe.

Ika nga, “..with great power comes great responsibility”. Hindi lamang porma ang ginagawa ng isang Prinsesa. Siya ang aalalay at aakibat sa galaw ng Monarkiyang Gobyerno para sa kanilang mga tao at sa mundo. Hawak mo ang buhay ng mga tao sa bawat galaw mo. Isa kang tinitingalang idolo na dapat magpakita ng tatag, ganda at lakas sa bawat kaway at ngiting ibinabalik mo sa kaluluwa ng mga tao.

Ang korona ay simbolo ng kapangyarihan.. at bigat ng panunungkulan. Mas maraming diyamanteng nakapalamuti sa korona, mas bibigat ito’t tila magpapasabog ng iyong ulo’t kaluluwa.

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

3 Responses to Maharlikang Tuntunin ng Magandang Asal (Royal Etiquette)

  1. Would love to incessantly get updated great blog!

  2. bigfatheroo says:

    Indeed, great blog!!!!!🙂 Astig!!! Na-entertain ako at may dagdag na kaalaman pang natutunan…..🙂 pakiramdam ko tuloy, ROYAL HIGHNESS na ako…. Write more Alexel!!!!! Go go go!

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s