Saloobin ng Isang Nagsisimulang Makata

Hindi ko talaga mapigilang maglabas ng sama ng loob ngayong umaga. Naiinis ako sa mga naturingang “Makata” na nakilala ko. Sana talaga hindi ko nalang sila nakilala sa personal. Sana nanatili nalang sa libro ang pagkakakilala ko patungkol sa kanila. Ibang iba ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko, imbes na akayin nila ang mga batang Makata, iniisnab pa nila! Na ipinapamukha nilang sila ang bida, sila ang nauna! Ramdam na ramdam ko ang sakit lalong lalo na nang sinubukan naming sumali ng kaibigan ko sa isang “Writers’ Workshop”. Nagpadala kami ng email ng aming mga gawa. Mga tula at maikling kwento. Wala kaming natanggap na sagot galing sa kung sinumang organizers o nakatanggap noon. Sana man lang sinabi nilang “walang kwenta” ang mga gawa niyo kaya hindi kami maaaring makasali. Sana man lang sinabi nilang, “mga may akda” lang ng libro at Churvanek ek ek awardi lang ang pupwede… at walang “K” ang mga katulad kong pinalista lang palagi sa mga sinasalihan. Malugod kong tatanggapin kung iyon ang dahilan. Mabuti pang ganun at least alam namin kung bakit hindi kami nakasama, diba? Nakita ko kanina ang mga larawan na kuha mula sa workshop na iyon. Hindi ako nagkamali, mga awtor na nga ng libro ang nakasama. Kunsabagay, hindi naman kami ibibilang doon, noh! Sino ba naman kami para makisawsaw sa asosasyon ng mga propesyunal na manunulat? (Mga may MA at Ph.D. [Puro Hangin ang Dala] degree sa literatura!) Sino naman ako para magdemand sa kanila, di ba? Ang sa akin lang, sana ipinamukha sa amin ang dahilan. O kaya’y gumawa ng workshop sa mga baguhan. Upang maging katulad din sila ng mga ELITE na  mga manunulat na iyon. Na katulad nilang malilinang rin ang nakatagong talento sa pagsusulat! Yun naman talaga ang isa sa mga layunin ng isang workshop, ‘di ba? Ang mahasa ang talento. Ang mas mapagbuti pa ito. Hindi na tuloy ako naniniwala sa mga gawa nila! Hinding hindi na! Hindi na ako maniniwala na sila ang inspirasyon ng mga katulad kong baguhang Makata. Ayokong sumiksik sa asosasyong pinaniniwalaan ko dating walang bahid pulitika. Na umaasa at naniniwala daw na ang kabataan ang pag asa. Susme! Kung totoo talaga iyon, sana naisip nilang magsali ng mga kabataang katulad ko at nang makadaupan sila! At nang mas makilala sila. Nang sa gayun, mas ma-inspire nila. Ma-boost nila ang morale, diba? Baka naman kasi high level na ang pakiramdam nila at hindi basta basta. Siya nga naman kasi ito’y kanila nang napatunayan. Pero ito lang ang totoo at puro, galit ako sa kanila at gusto kong ipampahid ang mga libro nila sa pwet ng mga baka!

Mahirap na ngayon magtiwala sa taong nagdadala sa kaluluwa ng Makata. Lalong lalo na kapag matindi ang bilib niya sa katawang nagdadala lang ng kanyang kaluluwa.

Masamang masama ang loob naming mga nagsisimulang Makata. Ayaw naming maging katulad nila. Tapusin na sa kanila ang ganoong klase ng pulitika… nakakawalang gana humanga kapag ganun ang iyong makikita.

Basta ako, hinding hindi ako magpi-feeling elitista! Hindi ako magpi-feeling sikat na! Hindi ako magpi-feeling magaling at laitera! Hinding hindi sasayad ang ulo ko sa sahig ng pinaniniwalaang langit ng kasikatan kahit pagkaguluhan pa ang mga gawa kong libro sa daan. Mananatili akong “AKO”..Simpleng ako na nabiyayaan ng talento sa pagsulat upang maging inspirasyon at makasama sa paghubog ng salamin ng buhay.

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s