Ka Ek-ekan sa Araw Na Ito: Sa Papalapit na Kaarawan Ko..

Andaming ka ek-ekang bagay na naman ang nangayari sa araw na ito. Ayoko nang isa isahin kasi baka mapuno na naman ang posts ko sa Facebook. (HAHAHA!) Marami akong inaantay actually. Kagaya ng birthday ko. Malapit na pala. April 13. Ano na naman kayang bago sa’kin? Mas maganda ba ako ngayon? Hindi ko rin alam. Sanay na kasi talaga akong nakikita ang sarili kong maganda slash gwaping sa salamin. Dagdag pa ang hindi magkamayaw na komento galing sa mga tao sa paligid ko… pati sa pamilya, over na! (ECHOSERA!) Isang lumalaki at tumatandang ka-echosan siguro ang buhay ko. Ewan ko ba. Para kasing andami kong ginagawang “moves” pero parang wala namang produkto. Nasasabi lang ng iba, “Ang ganda!” Yun na. Tapos na dun. Gusto ko kasi yung pang matagalan na talaga. Kagaya nung susunod na kumpanyang papasukan ko, gusto ko yung talagang masasabi kong, “THIS IS REALLY IS IT!” Gusto ko talagang maramdaman yung hinahanap kong kalinga at ligaya sa isang kumpanya. Kaya nga kahit maraming tumawag sa’kin for employment tinatanggihan ko. Ayoko na kasi na hindi ako sigurado, na baka at the end of the day pagsisihan ko ang mga so-called,”choices” ko. Nakakaloka na yun pag nagkataon no.. Tsaka this time tumatanda narin ako. Dapat this time, may stable na trabaho na talaga ako. Yung mga sampung taon na ang itatagal ko. Hindi ko pinagsisisihan ang pag tanggi ko sa ilang kumpanyang tumawag sa’kin para maging HR Staff, empleyado, ahente, front desk officer, trainer/instructor, etc. Hinding hindi. Kinikilatis ko kasi. Kinilatis ko yung kumpanyang maari kong pasukan. Magpapahinga muna ako sa mga oras na ito. Gusto kong mag isip at hanapin ang sarili ko. (CHAROTERA!!!) Wala bastang pakialamanan ng trip na’to. (HAHAHA!) Malay niyo ako ang maging next president ng isang multi-national companym o kaya ang susunod na diyakunesa (diyakuno) ng isa sa mga kolehiyo ng UST, Ateneo, o La Salle… o kaya ang susunod na presidente ng minamahal kong BU. (KALOKOHAN!!!) Eh, sa ako ang nagsulat nito, kaya ako ang bida, hmmm??? May magagawa? ‘Wag rin magkakamaling magcomment ng kontra ha? Isi-search ko address ng tirahan niyo. (DATI AKONG LIDER NG ISANG GANG SA ANTIPOLO; KILALANG PUMAPATAY NG CHAROTERANG FROGLETTER!) Ayun, wala na naman akong magawa. Wala na naman akong makausap ng matino kaya isinasalin ko lahat ng kabaliwan sa isip ko sa note na’to. Ang sosyal ng outlet ko noh? (HAHAHA!) Naalala ko tuloy mga ginawa ko kanina sa dorm, naglinis ako ng banyo, kiniskis ko ang sahig na tiles pati inidoro. Inalipin ko ang sarili ko para may magawa naman akong bago. Pakatapos nun, nagpaskil ako ng babala para sa mga ka-dorm ko na panatilihing malinis ang palikuran. Umiral na naman kasi ang pagiging maselan ko sa maduming banyo. (AYOKO NG PUTIK SLASH POTEK ANG DRAMA!) Ayoko na madaming nanuot na dumi sa tiles—nandidiri kasi talaga ako. Ayoko rin ng naninilaw na inidoro. Sanay ako na kahit simpleng bahay ang mayroon kami, malinis palagi. Ginagawa ko yun ngayon sa dorm.. ang maglinis hanggang sa makuntento ako sa kalinisan ng paligid. Mabuti na lamang talaga nasa mood ako para gawin ito. Mamaya pakatapos mag-Facebook, manunuod ako ng cartoons sa Disney Channel, pakatapos, magbabasa ng latest magazine patungkol sa nalalapit na kasal ni (HRH) Prince William at ni Mareng Kate Middleton… tatapusin ko rin munang basahin yung librong pinahiram ng kaibigan kong La Salista (Mga Maikling Kwento at Tula) Magsusulat ako ng panibagong journal sa isa kong notebook, tapos magtitext at tatawag kina Daddy Em at kina Mama at Papa. Basta kung ano ang maisipan ko yun gagawin ko. Kakapagod rin kasi ang tumambay maghapon.

Ano kaya magandang regalo sa sarili ko ngayong malapit na birthday ko? Mag-relax? Hay naku, over na nga eh… Hmmm, gusto kong magpunta ng beach. Yung wala masyadong tao. (Sa Isang Ghost Town??? NOOOOO!) Yung naka-shorts lang ako at nakatsinelas tapos may dalang kaunting pagkain… maliit na cake na may maliit na kandilang iihipan ko… magwi-wish ako na sana dumating na ang talagang “Araw” ko na aasenso. (Kelan kaya yun?) ‘Di kasi ako makuntento sa mga ginagawa ko ngayon eh. Basta, alam kong maraming surpresang darating sa mga papalapit na araw ng buhay ko. Alam kong maraming nakaambang biyaya na sa mga susunod na araw ay haharapin ko. Basta, nararamdaman ko lang.

Magsisimba ako. Dapat mas taimtim ito at espesyal kumpara sa mga nakaraang linggo na nagsimba ako. Gusto kong mas mapansin Niya ako. Gusto kong Siya lang ang mangibabaw sa “mundo” ko sa mga oras na binabati ko ang sarili ko ng, “Maligayang Kaarawan Sa Sarili Ko!”đŸ˜‰ Pangako, mas mamahalin ko pa ang sarili ko… Salamat sa lahat Panginoong Hesus ko…

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s