Si Mama at ang Mumurahing Katsa Sa Tabi Niya

 

Maria Bella, ang pangalan ng aking pinakamamahal na Ina.

Bingi na siguro ang aking Ina sa hindi mabilang na paglalambing ko sa kanya.

Basta, malambing talaga ako pagdating sa aking Ina.

Hindi kasi talaga matatawaran ang kanyang pagmamahal sa akin.

Hindi ito maiintindihan ng mga taong makakabasa lamang ng sulating ito.

Hinding hindi.

Ako lang kasi ang nakakakita sa ginagawa ng aking pinakamamahal na Ina.

Ako lang ang nakakakita kung paano siya mapagod maglaba’t mamlantsa ng mga damit naming pamilya sa bahay. Pagkatapos ng mga ito, magluluto’t kakaliskisan pa niya ang singit ng mga nagamit na kaserola sa kusina. Hahatakin ang mga kableng nakaharang at wawalisin ang mga dahong nagsilaglagan sa tanim naming buyo sa hardin sa likod ng bahay.

Simple ang pamumuhay ng aking Ina. Kahit noong nagtatrabaho pa siya bilang Takilyera sa sinehan, empleyado sa bangko, sa opisina at titser sa eskwela… talagang simple lang siya. Mahal na mahal ko ang aking Ina. Siya ang katuwang ko sa lahat ng aking napagdadaanan. Okey lang ang talak na galing sa kanya..

Okey lang kung mabingi ako sa musika ng ingay niya. Okey lang ang pag aaway nila ng aking Ama bago matulog at pagkagising sa kama.

Basta, mahal ko ang aking mga magulang… ang aking Ama’t Ina.

Naalala ko ang gabing nakita kong may luha sa mga mata niya.

Naalala ko kung paano siya sandaling nagpatalo sa ikinubling kahinaan niya. Naaalala ko ang mga sandaling may mumurahing katsa sa tabi niya habang nagpapahilot siya ng likod sa akin. Minamasahe ko ang pagod na pagod na katawan niya. Hinahaplos at sinusuklian ang paghihirap niya sa akin, sa amin… pati ang wagas at pinong pagmamahal niya sa amin.

Sana dumating ang araw na mas mapasaya ko pa siya. Silang lahat na aking mahal na pamilya. Okey lang kahit malungkot ako ng sobra… basta makita ko lang silang masaya. Okey lang kung paminsan-minsan ako ang gumagamit ng mumurahing katsang iyon sa tabi ko, basta silang lahat walang mabigat na problema. Okey lang. Kaya ko. Kaya ko na. Basta lumago lang ang aking kaluluwa.

 

Advertisements

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Galeriya | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s