Lumilinaw ang Mata ng Mas Tumatandang Buhay

Para Kina Ate, Mama, Papa, Daddy Em, Auntie Yhet at Ma’am Joh: tagapagpalinaw ng mga Mata ko sa Mundo

“The more sand that has escaped from the hourglass of life, the clearer we should see through it.”

Siguro nga katulad ng palagian nilang sinasabi, “..marami ka pang kakaining kanin..” marami pa akong dapat na maranasan bago ko talaga mas makilala ang sarili ko. Bago ako makuntento at tumagal sa mga pinapasukan kong kumpanya. Sa mga oras na ito, isa na akong ganap na malayang mamamayan. (HAHAHA!) Ang ibig kong sabihin, wala na akong trabaho. Bumitiw na ako at umalis na naman sa kumpanyang pinapasukan ko. Gusto ko kasi yung nararamdaman kong importante ako rito, na masaya ako sa ginagawa ko rito… na parang laro lang ang mga kinakalikot at nililikha ng utak ko. Ayoko rin na ang nagko-kontrol sa’kin ay bobo at wala pang napapatunayang hasang karanasan patungkol sa mga itinuturo sa’kin. Yun ang ayoko. Ayoko na mas magaling pa ako sa “manager” ko. Allergic ako sa bobo at gago. Natural, dapat kapani-paniwala mga sasabihin nung taong yun, diba? Dapat maniniwala muna ako sa ginagawa ko bago ang mga nasa labas ng kumpanyang inaasikaso ko. Hindi mahirap maghanap ng trabaho. Mahirap maghanap ng trabahong hindi mo ituturing na trabaho. Yung hilig mo talaga at masaya kang gawin ito. Mahirap maghanap ng trabahong hindi ka magiging “gago”.

Gusto kong maramdaman na atat akong pumasok sa kumpanyang ito dahil alam mong may “pamilya” at nagmamahal sa lugar na ito. Hindi lang dahil sa mataas ang sweldo o komisyon. Sa katunayan, sa huling kumpanyang napasukan ko, isang buwan akong nawalan noon ng sweldo, Oo, pero nanatili ako kasi naniniwala at masaya parin ako. Pero habang tumatagal, habang nakikita ko rin ang pagsisialisan ng mga kaibigan ko dito, mas tumindi ang pagnanais kong umalis narin dito. Hindi na kasi ako naniniwala sa mga nagpapalakad dito. Sa mga natirang tao na umaastang iba at naghahari-harian dito. Tandaan sana nila na maaaring mabuo ang kumpanya na walang mga upuan o mesa, pero hindi maaaring walang tauhan. Isipin sana nila at mas pahalagahan ang mga taong bumubuo dito. At masusing pag-aralan ang mga taong inilalagay sa mga pwesto. Yung may “K” naman sana. Hindi naman kasi kami nagtapos at nag-ani ng karangalan sa kolehiyo upang panghawakan lang ng mga taong walang alam. Nakakainsulto.

Sa totoo lang, yan ang aking nararamdaman. Bakit ako magtityaga sa ganoong klase ng kumpanya gayong alam ko namang marami pa akong pupwedeng pasukan? Bakit ako mananatili at magpapahawak sa mga taong hindi ko ni minsan pinagkatiwalaan na may magagawang produktibo? Bakit ako susunod sa mga bagay na labag sa aking prinsipyo at paniniwala? Bakit pa ako mananatili doon kung salungat ang hangarin ng mga nagpapalakad sa hangad ng pagkatao ko? Marami pa akong mahahanap. Marami pa ang makikilala ko. Marami pa nga talaga ang kakainin ko. Mas marami pa ang matututunan ko.

Totoo ngang habang tumatagal ka sa mundo, habang matagal na gumagalaw ang bawat oras at segundo mo sa mundo, mas marami kang makakalap na kaganapan ng buhay. Mas lumalakawak ang iyong kaisipan at persepsyon sa buhay.  Mas lumilinaw ang mga mata mong naibabad sa mapupungay na pagdilat ng makulay na buhay.

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

One Response to Lumilinaw ang Mata ng Mas Tumatandang Buhay

  1. bigfatheroo says:

    Tama ka… lumilinaw nga ang mata ng mas tumatandang buhay….🙂

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s