Ang Librong Ipinatong Sa Katawan ng Aking Ulo: Para sa “Talong/Tahong” na Libro

Magakahalong lungkot at saya ang araw na ito para kay JM. Pakiramdam niya, malaya ang kanyang kaluluwa; may bahid naman ito ng lungkot dahil hindi kaila sa kanya na hindi sila magkaintindihan ng kanyang katuwang na sa Gabriel. Pansamantalang nagpaalam si JM kay Gabriel na putulin muna ang kanilang komunikasyon. Masyado na kasi siyang maraming iniintindi sa buhay. Palagian pa ang pagtatalo nila ni Gabriel na nagpapalala ng hikbi ng emosyon sa kaluluwa niyang sugatan. Masakit ito para sa kanya pero kailangan niyang gawin ito pansamantala. Kailangan niyang maging matatag at nananalig na sa likod ng lungkot na ito, bukas makalawa tatabi rin sa kanya ang saya.

Sabado at walang magawa sa bahay si JM. Naisipan niyang maglakad-lakad ng mag-isa. Gusto niyang libangin ang sarili niya. Gusto niyang mangumusta ng paligid niyang matagal na niyang hindi nakadadaupan. Nagbihis si JM, una niyang isinuot ang puting T-shirt, skinny jeans, at diyaket na kulay itim na katulad ng mga isinusuot ni Jake Cuenca sa mga pelikula at serye nito sa telebisyon. Huli niyang isinuot ang flat shoes na kulay itim na may kaunting puti sa gilid. Nagsuot siya ng shades at dinala ang kanyang maliit na notebook at sign pen. Hindi ito nawawala sa mga bitbit niya kapag naglalakwatsa. Gusto niya kasing ilista lahat ng mga bagay na pinagkakainteresan niya. Dito niya isinusulat ang mahahalagang bagay o pangyayari para sa kanya. Minsan nga na-wiwirduhan ang mga kaibigan niya sa kanya sa mga oras na lumalabas silang magkakasama. Pero hindi niya pinapansin ang mga ganitong puna. Nananahimik lamang siya at masayang inililista ang mga detalye sa buhay niya

Alas kwatro na ng hapon nang makalabas siya ng bahay. Titig ang mga taong nakakasalubong sa kanya. Simple siyang manamit pero mukha siyang artista. Katulad ng mga puna galing sa kanyang mga kaibigan, pilit niya itong dinidedma. Hindi niya pinapansin ang mga bagay na walang halaga. Tuloy tuloy ang kanyang paglalakad hanggang sa papatawid na siya ng EDSA Crossing. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Agad niyang natanaw ang mall ng Shangri-La Plaza. Nagdesisyon siyang doon nalang pumunta. Nag iisip siya kung anong lugar sa loob ang una niyang pupuntahan. Naalala niya ang bagong labas na libro ng mga kaibigang sikat na manunulat. Inalala niya ang itsura ng libro na nakita niya sa isang post sa Facebook. May titulo itong, “Talong/Tahong.” Kulay rosas ang pabalat at may dibuho ng dalawang babae at lalaking magkahawak-kamay. Napangiti siya nang maalala ito. Dali dali niyang tinungo ang National Bookstore na madalas niyang puntahan. Dumiretso siya sa estante kung saan naroon ang “Philippine Literature/Fiction” section. Ayun. Tumambad kaagad sa kanya ang librong eksakto sa post sa Facebook ng makatang kaibigan. Katulad ng mga artista na napapanuod sa telebisyon, mas maganda ito sa personal kesa sa larawang nakapaskil sa pader ng Facebookprofile ng kaibigan. Hindi siya nakapagpigil at agad niya itong binuksan. Unang prosa pa lamang na nakapaloob dito may kakaiba na siyang naramdaman. Tinigasan siya sa mga kwentong erotika rito. Tila nakikipagtalik siya sa librong ito. Tila nagsasanib ang kanyang init, pag ibig at kaluluwa sa mga nag-iinit rin at nagpupumiglas na mga salita sa loob ng iba ibang kwento sa libro. Nasasarapan siya habang binabasa ito. Hindi maipaliwanang na kaligayahan ang bumalot sa kanya sa loob ng aklatang iyon. Agad siyang nagtago sa isang estante nang maramdamang bakat na ang kanyang ari sa skinny jeans na suot. Inangkin niya ang libro sa mga oras na iyon. Inari niya ito katulad ng pag-ari sa kanya ng librong basahin ito—-pasasagasaan ng mga matang matagal nagkulbli at nagbulag bulagan sa dapat at totoo. Aaminin niya sa libro ang kakaibang tuksong naiparamdam nito. Mag uusap sila ng patago sa likod ng estanteng balot ng makakapal na libro ng mga awtor na Pilipino.

Matatapos na niyang basahin ang sampung kwento. Nagugutom na siya sa pagtayo. Naiihi narin siya. Nagdesisyon siyang bilhin na lamang ito at nang maitabi sa kanyang kwarto—isasali niya ito sa koleksyon niya ng librong pambakla—libro ng mga baklang makata. Nang itinklop niya ito. Nasagi siya ng isang lalaking tsinito. May salamin ito. Nakakulay luntiang T-shirt, nakamaong na kupas at naka-tsinelas. Mukha itong anak mayaman. Ngumiti ito sa kanya at humingi ng paumanhin. Gumanti siya ng ngiti sabay sabi ng, “Okey lang. Pasensya rin sa’yo.” ..”Mukha itong Koreano. Cute siya..” sa loob-loob na sambit ni JM. Dali daling umalis ang binatang nakasalamin. Tinitigan niya ito hanggang sa maglaho ang may katamtamang maskulong pangangatawan. Umiling-iling siya at agad na tumungo sa Cashier. Binayaran niya ang libro. Mahigit dalawang daan ang libro. Binalot ito sa peyper bag at agad na lumabas sa lugar na iyon.

Nagmamadali siyang umuwi. Gabi na sa labas. Nakikipag unahan na siya sa mga tao’t sasakyang abala sa labas ng sosyal na gusaling iyon. Agad siyang dumiretso sa isang karinderya. Adobo ang binili niyang ulam at isang mangkok ng kanin. Bumili rin siya ng Royal softdrink pamatid uhaw. Sinabi niyang sa bahay nalang nila siya iinom ng tubig. Gutom na gutom siya. Ngunit alam niyang mas gutom ang kanyang kaluluwa. Naisipan niyang magsulat mamaya bago siya magpahinga’t matulog.

Binagtas niya ang daan pauwi. Kakaiba ang larawan ng daan. Tila isa itong daan ng payapang kalooban. May ngiti sa kanyang mga mata. Marahan niyang binuksan ang geyt at patakbong tinungo ang kanyang silid. Naghubo siya ng sapatos at umupo sa kabisera ng kanyang kama. Marahan niyang idinitalye ang mga nangyari sa kanya sa buong araw na iyon. Marahan niyang dinama ang hanging abalang abala kanina sa paligid niya. Marahan niyang ipinatong at binuksan ang librong kanina’y nagbigay tuwa at malisya sa kanyang nag-iinit na kaluluwa.

 

About myalexel

ISINILANG SI ALEXEL sa bayan ng Daraga at lumaki sa Pioduran noong ika-13 ng Abril taong 1989. Namalagi siya sa kanila ring tirahan sa Lungsod ng Legazpi sa probinsya ng Albay noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Pamantasan ng Bikol; nakakuha ng units para sa M.A. sa Sikolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng Master ng Sining sa Literatura sa Bicol University Graduate School. Siya ngayon ay masayang nagtuturo sa kolehiyo at nangangasiwa ng iba ibang propesyunal na organisasyon. Mahilig siyang mangolekta ng lapis at mga abubot na kanyang nagagamit pan-dekorasyon sa kanyang scrap book. Nahilig siyang magsulat ng maikling kwento, sanaysay, at tula noong pitong taong gulang pa lamang siya. Marunong rin siyang gumuhit at mag pinta. Sumasali rin siya sa mga Patimpalak sa Pag Awit at iba pang patimpalak patungkol sa Sining. Ang ibang koleksyon niya ng tula at maikling kwento na kadalasang tumatalakay sa kanyang buhay pakikipag-kapwa at pag-ibig ay nakatago sa kanyang espesyal na tukador. Ang iba sa mga ito ay naisali na at napiling magawaran ng premyo sa mga patimpalak sa malikhaing pagsusulat tulad ng Gawad Komisyon sa Wikang Filipino, Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon, BU Linguistics Circle, CAL Literary Contest at iba pa.
Gallery | This entry was posted in Sanaysay sa Buhay. Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Komento

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s